Tinanong ko kanina kay papa na walking encyclopedia kung ano nga ba ang significance ng debut sa panahon ngayon. Lagi na lang kasi sinasabi nila, "introduction to society" daw iyon ng debutante. As expected, sabi ni papa, "Obsolete tradition na lang iyon na ginagawa pa rin ng mga maykaya. Pero nalimutan na nga ang totoong significance nun. Hindi kasi nila alam, pag sinabing 18 noong unang panahon ibig sabihin marrying age na iyon. Practice yun ng nobility sa Europe na may debut ball na prinepresent sa queen yung bagong batch ng 'marriables'. Eh yung mga hindi naman nobility, inadopt na rin. So ngayon ginagaya na lang nila yung tradisyon."
Haha. Kung mag-debut pala ako gagaya lang ako ng foreign tradition na walang significance para sakin na originally meant para sa mga hopeful na maging royalty. Uy pero hindi ko sinasabi walang kwenta ang mga debut ah. Sa'tin siguro nagkaroon na ng ibang meaning, parang bonggang birthday lang para sa mga babae dahil milestone nga naman ang pagtatapos ng pagiging menor de edad. Nagkaroon na rin ng sariling ibig sabihin ang debut para sa atin. But as for me, I see no need to spend a fortune for this rite-of-passage.
A few hours ago kagagaling ko lang sa debut ni jarelle. Makati shang, buffet, forest theme, cotillion dancers, marc nelson as host, fairies all around--the works. Masaya naman siya, makikita mo talaga yung pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ni jarelle para sa kanya. Hindi ko sinasabi na mahal siya dahil pinaggastusan, pero yung pagmamahal na nararamdaman sa pagyakap, pagsalita, pagsuporta sa kanya. Nakakatuwa. Ang cute pa ng mga younger brothers niya...hehe.
Third debut ko to na inattendan sa tanang buhay ko. Mas marami yung invitations, pero hindi ko pinuntahan lahat. Ang masasabi ko lang...natuwa ako. Hindi siya naging "obsolete tradition" kasi alam kong may naging significance siya, at least para sa celebrant at sa mga kaibigan. At sasabihin kong hindi na ko ngayon masyado naiimpress sa extravagant display of extravagance (di gaya ng dati). I guess pag na-realize mo ang reality na karamihan sa lipunan natin mahirap, nagkakaroon ka ng sensitivity na yung mga pangmumudmod ng kayamanan hindi nakakatuwa, pero nakaka-shock. Siyempre hindi naman kasalanan ng mga mayayaman na mayayaman sila at ang kinagisnan nila ay ang lifestyle ng kayamanan. Ang sinasabi ko lang, mas lumawak ang pananaw ko at sa bawat bonggang event nakikita ko na may mga servers, security, ushers, camera crew, at iba pang mga tao na nasa background lang na nagiging invisible pero kung di dahil sa kanila, hindi posible yung bonggang event na yun na hindi sila nirerecognize.
Pero grabe may isa talagang bagay dun na na-outrage ako. May mga "statues" ng fairies kasi na puti doon, as in puti yung balat. Hindi ko na-realize totoong tao pala yung mga yun. Nung sinabi sa akin, na-outrage talaga ako. Tama ba na maging istatwa lang sila ng ilang oras, ginagawang ornamento, na parang hindi tao ang turing sa kanila?? Kahit ba sabihin na binayaran sila, tama ba na bayaran ang isang tao para maging bagay lang siya? Grabe anong klaseng exploitation yun. Yun lang talaga yung na-shock ako. Kahit sabihin mong pumayag naman sila mismo, kahit sabihin mong trained sila dun, kahit sabihin mong may mga "istatwa" din na ganun sa baywalk (at iba pang lugar) na gumagalaw pag hinulugan ng barya, mali pa rin talaga yun sa tingin ko. At least yung mga nasa baywalk ginagawa nila yun para mang-aliw sa mga tao, tsaka siyempre sila yung bida dun kaya nagpeperform sila. Yung dun sa shang hindi eh. Pang-display lang talaga sila, tapos nasa background lang na parang invisible sila. Parang tinanggalan ka na ng dignidad nun, tao ka pero ginawa kang bagay...
Siguro yung mga fairy statues mismo hindi narerealize yun, alam lang nila yun ang role na binigay sa kanila. Pero para sa nag-iisip, hindi pwedeng tanggapin yun...
